Disclaimer

Kung kilala mo ako personally, sana huwag magbago ang tingin mo sa akin. Pero don't mention any clues here especially my real name sa blog na ito. Don't spoil the fun.

Monday, July 4, 2011

Dare no tame ni ikite iru no? Bakit ba ako nabubuhay?

Isa itong tanong sa Nihonggo na hirap na hirap akong sagutin. Literally, it meant “para kanino ka pupunta?” pero para sa akin, ang kahulugan nito ay: “para kanino mo ba ginagawa ito?” o “bakit ka ba nabubuhay?”
Sa loob ng halos dalawang dekada ko sa mundong ito, wala pa rin akong ideya kung ano ba ang rason ko sa pag-eexist ko sa mundong ito. At dahil isa akong alchemist, objective ang tingin ko sa existence. Nabubuhay ako upang kainin ang mga bagay na mas inferior kaysa sa akin tulad ng mga halaman at mga hayop at ako ay mamamatay upang maging pagkain ng mga bacteria at maging pataba sa lupa.
Sa prinsipyong “Ichi wa Zen, Zen wa Ichi” One is all, all is one. Bawat isang bagay sa universe ay may epekto sa lahat. Sa pag-intindi mo dito, malalaman mong ang kamatayan ay isang mahalagang bahagi ng cycle ng lahat. Pero, ganoon na lamang ba ang silbi ko sa mundo? Hindi ba pwedeng mag-exist ako dahil sa mga nais ko?
Subjectively, madaming posibleng maging rason kaya ako nagpapatuloy mabuhay. Wild ang imagination ko kaya maaaring infinite ang value ng mga possible kong i-suggest kaya ganito na lang. Sasagutin ko bilang ako sa moment na ito habang ngtataype ako.
Patuloy akong nabubuhay kasi feeling ng pamilya ko ako ang pag-asa nila para makaahon sa kahirapan. Malaking pressure para sa akin ang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho lalo pa’t sa aming dalawang magkapatid, ako lang ang nag-aaral. Tight choice to make: Succeed or die trying.
Bilang boarder, I exist to pay the rent for my room, although kahit kapag umalis ako sure akong may papalit agad sa akin kasi mataas ang demand para sa kwarto ko. Feeling ko naman malaking kabawasan sa kanila kasi isa ako sa mga makukulit dito sa Bahay ni Perly, at baka mamatay sila sa boredom.
Relevant din ako bilang isang estudyante kasi kumikita sa akin ang university. Kaso hindi naman ako directly ang nagbabayad kasi scholar ako. Sabihin na lang nating baka hindi kumpleto ang klase pag wala ako. Ewan ko lang, may subject kasing hindi ko na kaklase ang mga ka-section ko dahil magulo ang college sched ko bilang isang quasi-irregular (parang irregular) student.
Pero para sa sarili ko? Hindi ko pa natanong ito dati, mahalaga ba ako sa sarili ko? At hanggang ngayon, wala pa rin sa akin ang sagot.

 . . I'll go for the light even if I wilt and die . . .

Insomnia...waaaaah

Alas dos ng madaling-araw at hindi pa ako dalawin ng antok.
Ang teorya ko para sa mala-insomniang pangyayaring ganito eh hindi matahimik ang kaisipan ko kasi may tao na ako ang iniisip. At dahil sa pag-iisip niya sa akin, naaapektuhan ng brain waves niya ang brain waves ko at pareho kaming napupuyat. Ang selfish niya, kung ayaw niya matulog, huwag sana niya ako idamay.
Isa pang posibleng dahilan ay ang droga na nasa katawan ko ngayon. Hindi nga lang ako sigurado kung Caffeine o yung Alcohol. Bago ko kasi aralin ang leksyon naming para bukas ay uminom ako ng brown coffee (na sabi ni Coco Martin ay “Yami!” daw.) para panatilihing gising ang sistema ko para harapin ang nakakaboring na subject.
Kaso halfway through my studying, enter ang boardmates ko, tangan ang dalawang baso at fish crackers. Tama ang hinala ko, tubig nga ang laman ng isa, ngunit mali ako sa pangalawa, akala ko Sprite, The Bar pala. Lakas talaga nila mag-trip, galing pa ng timing.
Kahit aware ako sa ganoon, inom pa din ako,bilang tanda na din ng pakikisama ko sa kanila saka maganda din naman sa katawan ang paminsan-minsang pag-inom ng alak. Kaso hindi ko lang alam kung tamang kombinasyon ang caffeine (stimulant) at alcohol (depressant).
May mga taong pagkaraan ng tagayan ay magnanais uminom ng kape pagkat pangtanggal daw ito ng kalasingan. Siguro kasi magkabaliktad sila ng nagagawa, ang alak ay pampa-depress at ang kape ay pampa-stimulate. Pampatulog at pampagising. Siguro dahil mas madami ang nainom kong kape kaya gising pa ako.
Asa naman ako na totoo ‘yung unang teorya ko.

. . . I'll go for the light even if I wilt and die . . .

Sunday, February 20, 2011

Share My Life

In lieu with my birthday theme na "share my life to somebody", I did one of the easiest (?) ways: Donate my blood to the Philippine National Red Cross.

Actually, Friday 'yung blood donation, kaso Monday pa lamang naghahanda na si Watashi. I informed one of my friends about my plan. They were a bit shocked pa 'yata kasi baka hindi ko kayanin. Kaso nagkaroon ng problema, exam week yun at tatlo ang exams ko ng viernes. Saklap! Pero I won't give up, natatakot man ako, gusto ko talaga. Nakabili na nga ako ng Gatorade to rehydrate myself after the donation eh.

Come Thursday night, I was preparing for my exams in Cost Accounting, Español and Accounting Information Systems. I planned ma matulog ng 8:00PM and get up by 4:00AM. Sinasanay ko kasi na magreview sa medaling araw kasi pag sa gabi, aantukin lamang ako. After reading a bit, around 8:30, I turned off the lights na. Kaso may problema… excited ako at hindi ako dalawin ng antok.

Kaya ayun, mga 11:00PM na yata ako nakatulog and I got up at 4:00 and read a bit uli. I want to excel in Español so nagconcentrate talaga ako. I arrived early sa college and to my surprise, wala kami nadatnang classmate kasi wala daw exam sa Spanish. Bwisit, kaya nagreview na lamang muli ako ng AIS.

At nairaos ko din ang AIS at medyo nadalian pa nga ako. By lunch, I ate a lot. Kaso parang normal meal ko lamang iyon… Chicken barbecue, half order ng Ginisang Ampalaya at dalawang rice. Solved, may energy na ako. I'm ready to shed blood. Hindi sa blood donation kundi sa pagsusulit sa Cost Accounting.

I didn't bring my book na lamang kasi alam ko all problems daw. Tinatamad din ako mag-cram. Excited na ako eh. Kaso pagdating ng test paper, lintek! Puro theories! Kung may malinaw na example ng fraud, ito nay un. Bwishet! Buti na lamang may stock knowledge at understanding ako at siguro nama'y papasa ako dun.

Nauna akong natapos. Hahaha. Halatang excited. So hinila ko na ang mga kasama ko at naglakad kami patungo sa school infirmary. Ayaw naman naming magpagod. Pagdating sa site, pawisan at humihingal pa ako. Buti na lamang may pinasagutan pang form. Nakakatuwa nga eh, pure tagalog. Kasarian: gusto ko sana ilagay eh undefined kaso tinamad ako. Nakipagtalik ka nab a sa kapwa mo: Sadly, hindi pa, pero baka malapit na. Ikaw ba ay buntis?: OO!!! Hahaha.

Moment of truth na, umupo na ako. Matapos ang kaunting Q & A portion, kinuhanan na ako ng blood pressure. Mataas, pagod at puyat eh. Ayaw pa ako payagan. Magpahinga daw muna ako. Shet! Subukan lang nila sirain ang pangarap kong ito, dadandak talaga ang dugo! Beauty rest muna.

Take two, medyo mataas pa din. Pero pinayagan na nila ako. Ramdam siguro nila na gusto ko talaga. Ok ang hemoglobin at for the first time, nalaman kong Type B ako. Most impotantly nalaman kong hindi pala berde ang dugo ko. So waiting lne na kami. And after my friends, ako na ang hihiga.

PAghiga, super ask muli si kuya kung puyat daw ba ako. Nagsinungaling na lamang ako. Hehehe. Mahirap na. Ayun, tinuhog na nila ako. Hindi ko napansin kung masakit ba o hindi kasi nag-eenjoy ako sa song na tumutugtog sa headphones ko. At last, nagflow na ang fresh blood ko. Medyo may discomfort sa una pero pag nagtagal comfortable na. At ang tagal talaga, nakapagtatakang ang bagal ng flow. Tinatamad kasi akong laruin yung stress ball kasi yung balls ni kuya ang type ko hawakan. Hehe. Duduguin talaga ako pag nagkataon.

450ml of Type B blood. Ang kapalit: Isang zesto, isang bowl ng lugaw, isang cupcake at invaluable experience of a lifetime. SHET! IPAGYAYABANG KO 'TO! NAGDONATE AKO NG DUGO! Hinarap ko ang takot ko. Kahit bakla ako, kinaya ko! Neknek mo, sa sitwasyong 'yon sino ang gumanap na tunay na lalaki?! Hahaha.

Monday, February 7, 2011

Theme

This birthday of mine, I wanted to do something new. Kaya eto, mayroon akong topak at gusto ko may theme ang birthday ko.

"SHARE MY LIFE TO SOMEONE"

Paano? I got a few ideas. Pero mayroon isang idea na pinag-iisapan ko talaga. Here's the clue:



What do you think??

. . . I'll go for the light even if I wilt and die . . .

Thursday, January 27, 2011

Product Review: San Marino Tuna Paella


Pag-uwi ko sa aking tinutuluyang boarding house (na tinatawag kong apartment kasi mag-isa ko lang sa room). Pagod na pagod ako mula sa nakakalokang recitation sa Law class, paano ba naman pati naman na inventor ng airplane tinatanong. Pero nasagot ko naman, hehe. Orville and Wilbur Wright.

Pero ito ang issue, naubusan ako ng ulam. Well not really kasi meron namang ibang ulam – pinakbet tapos saluyot na hindi ko alam kung paanong paraan niluto. Kaso nga naman, kung hindi niyo pa naitatanong eh carnivorous po ako. Hindi ko type ng mga ulam na ito.

The remedy for me eh yung sa labas ako kumain or balot at chichiriya uli kainin ko kaso tinatamad ako lumabas. Ayoko namang magpalipas ng gutom kahit sobrang gipit ng budget ko ng linggong ito.

Pero niligtas ako nito:



Buti na lang pala at nakabili ako sa supermarket kasi gustong gusto ko talaga siyang tikman. So umorder ako ng kanin. Alam kong redundant na ito kasi nga naman di ba may kanin na yung paella kaso tantya ko kasi ay hindi ako mabubusog kung iyon lang. Haha

Kaya ayun binuksan ko siya with my bare hands kasi nasa easy-open can siya na sobrang dali nga talagang buksan. At bumulaga sa akin ang isang napakafamiliar na pagkain. Para siyang yung tuna caldereda tapos hinalo mo sa kanin. That's it, nothing more special. Pati sa lasa ganun lang din.

Hindi ko masasabing nadisappoint ako kasi nga naman masarap nga naman siya at kahit yung kanin niya eh pwedeng i-ulam sa plain rice. What I loved in this product though eh yung ease nga naman. As in pwede mo na siya kaagad kainin. Pwede siguro siya sa quick breakfast on trips. Yun pala! Perfect siyang pambaon! Sana naisip ko ito nung field trip namin sa Laguna. May mga tuna chunks din siya na pagkasarap-sarap.

Overall, masarap naman siya. Kaso medyo unfair judgement kasi gutom ako nung mga panahong iyon so baka overstimulated ang taste buds ko. I suggest you try it for yourselves. Nothing beats the real paella though.

Ako at ang taong open-minded daw.

A few days earlier, nakattext ko ang isang lalaking ito na affiliate ko sa isang organization. I was Business Manager (or Seargent at Arms?? Can't remember) sa organization na iyon pero kinukuha ko yung role ng Public Relations Officer at VP-Internal to keep the members informed about things. So super GM (group message) ako sa mga members kasi nga I have all their numbers with in the database I made.

Ayun nga, nakatxt ko siya regarding sa mga activities tapos feeling close na ako sa kanya. He even asked kung gay daw ba ako. He told me na open minded naman daw siya. So I told him yes. Tapos tungkol na sa homosexuality at discrimination ang topic. Natuwa naman ako sa sinabi niya na open minded daw siya. Kasi para sa akin 'yung mga open minded eh 'yung mga tao na hindi tinitignan ang gender kapag nagmamahal. :)

I was intrigued naman sa personality niya so I wanted to check him on facebook. Pero I wasn't expecting too much kasi he was in a college na iilan lang ang gwapo.

When I opened his profile. Paaaaaaaaaaaaaaaaaaaak!!! Gwapo! As in gwapo talaga! Kaya ayun agad ko siyang tinext at hindi naman ako nabigo at agad siyang nagreply.

Sinabi ko sa kanya na nakita ko na ang profile niya sa fb. Sabi niya kapanget daw niya asi panget yung mga kuha sa kanya. Tapo sabi ko gwapo siya. Sobrang gwapo at crush ko na siya. Tapos nagdrama naman na si boy.

ITO ANG DRAMA NIYA SA TEXT:

AKO: Gwapo ka kaya, at naconclude kong crush nga kita.

SIYA: It's not everyday na someone tells me he/she admires me., pwedeng normal conversation na lang? I used to live in discrimination. Kahit na galing ako sa pamilyang ******. I feel like the "weakest link." I was not recognized. I strive hard, wla rin. Ganito pa rin ako. Batang utusan.

AKO: Ako naman, I used to be the strongest one pero I ended up disappointing everybody. Kasi nga bakla lang ako, at salutatorian lang ako at nagdrop pa ako ng isang major subject. May mga tao na mas malala pa ang pinoproblema sa iyo. Siguro may mga bagay na puwede kang maging utusan pero in the end ikaw naman ang pipili ng gusto mo hindi ba?

SIYA: Gusto konh mag-aral sa UP, hindi rin puwede. Hindi ko maiwan ang lola ko. Ayoko nang mabuhay ng nakatingin lahat ng mata sa akin. High expectations. Pressure. Pressure. Pressure. Konting pagkakamali, judgement agad. Pagkakaroon nga ng GF hindi ko maharap. Kaya pakialam ko sa mukha ko. Hindi ko naman ikakayaman ang gwapo ko. Hehe.

AKO: Siguro nga, pero sa pagiging gwapo mo may napapasaya ka. Tulad ko. Anyway, paano naging pahirap ang pagkakaroon ng GF? Siguro hindi healthy yung relationship niyo kaya ganoon ang tingin mo.

SIYA: Hindi mo maintindihan? Ok lang. Hehe. I can manage, hehe. Teka, 'yung sa FB. Baka namali ka lang ng e-mail add? Baka hindi ako 'yung tinitignan mung pix o baka mali katext mo ngayon. Eh mahirap 'yan. Hehe.

AKO: Hay naku! Ilang **** ****** ba ang nag-aaral sa CLSU at taga College of ***. Alam kong ikaw 'yun. Ewan. Feel ko. Sige nga ano profile pic mo?

SIYA: Ikaw magsabi kung ano profile pic ko. Anong kulay suot ko at saka ano ang background. Hehe.

AKO: (super describe ng picture with all the details) Please say I'm right. :(

SIYA: Yeah. Right.

AKO: :) See. Sa sobrang kaadikan ko nga, 'yun ang screensaver ng cellphone ko ngayon eh. Sorry.

SIYA: Huh? Kaya ayaw ko ng privacy ng FB eh. Kahit anong gawin, pwede pa rin ma copy and paste mga pics. 'Yung totoo??

AKO: Totoo! Sabi ko nga 'di ba? Hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Promise 'yan.

SIYA: Pwede na ba akong magpalit ng number? Hehe. Naiilang na kasi ako. Hindi ako sanay magpa-uto. Gusto ko lang sabihin, may utak ako.

AKO: Sorry. Geh. Kung hindi puede, tatanggalin ko na.

AKO: Hay naku. Hindi nga me nang-uuto. Sige, kung jino-joke lang kita, mamatay na ang nanay ko na mahal na mahal ko. Convinced?

SIYA: Please don't make yourself pathetic. I feel guilty. Parang napakasama ko.

AKO: Wuy! Ano ba ang dapat ko gawin para maniwala ka? Please. Willing ako gawin lahat kung ano man 'yun para lang ma-prove ko na honest ako sa mga sinasabi ko sa iyo.

AKO: :'(

SIYA: Hey, ayokong makasakit ng damdamin ng tao. Pero don't be so submissiv. You have to control yourself. Hindi mo mahahawakan ng buo ang isang republika kung sunud-sunuran ka sa mamamayan. (AKO: Siguro Republican siya, Democrat kasi ako)

AKO: Hala? Political Science naman na! Geh, huwag muna natin pag-usapan 'yun. Ahm. Anu gawa mo?

SIYA: Galing ng segway. Nagsusulat.

<Irrelevant Conversations ang naganap.>

AKO: Hmmm. Ask ko lang ha. Ganito ka ba lagi sa mga katext mo? Very outspoken? I mean 'yung kumpostable kang ikwento ang lahat?

SIYA: Do I have to hide myself? I'm an extrovert and I'm proud of it.

AKO: Ako din extrovert. Kaso madalas magshift to introvert these days. Feel ko kasi wala naman ako napapala sa kakasalita ko. Can't even get the person na mahal ko.

SIYA: Things do come in the right time and in the right place in the perfect form and in the perfect situation.

AKO: Sana nga, sana malapit na. I can't wait much longer na kasi eh. Pero nung nakita ko talaga pic mo, it gave me hope for a better day. :) Heto nanaman ako, sorry.

SIYA: Actually, mahiyaing tao talaga ako. Sa text lang siguro ako matapang.

SIYA: Maraming hamak na mas gwapo saken. Kadami sa university.

AKO: Ewan, hindi ko alam kung bakit alko nagkagusto sa'yo eh. Siguro it's for me to find out pa lang ne?

SIYA: Napakalaki ng salamin dito sa bahay, isang blackboard. Minu-minuto ko nakikita ang mukha ko. Malinaw ang mata ko at totoo ako sa sarili ko OK?

AKO: Naku! Wag mo ngang sinasabi na hindi ka gwapo! Wag mo okrayin sarili mo. Puede ba! Kasi nadadamay ako. Para tuloy hindi ako maruning tumingin ng tao.

<More irrelevant conversations>

AKO: Ano... Goodnight na. Tulog na ako. Pupunta pa ako ng Llanera bukas eh. Mag-aassist ng medical mission. Just to make myself clear, I like you. Gusto kita. Gustong gusto. I just want to get to know you better. I wish sana ganoon din ikaw... :( In promise na hindi kita binobola lang. Kung tinuturing mong sarili mo na weakest link, gagawin ko ang lahat para damayan ka at tulungan ka na mahanap kung saan ka talaga mageexcel. I will be there for you no matter what.

SIYA: I never needed help. Kahit noong bata pa ako. Night.

AKO: I never said na tutulungan kita. Sasamahan lang kita Kasi alam ko nga na ikaw lang makatutulong sa sarili mo. At saka, wala lang din naman ako gaano matutulong sa iy. Pero okay na ba kung pangingitiin lang kita when you're down?

SIYA: I never let myself down, even if I am. <matigas ulo>. Night.

AKO: Eh 'di I will always believe in you. 'Yun na lang ipapangako ko.

SIYA: You believe in yourself. Never trust anyone totally. Lalo na kung ka-text mo lang. Right? Geh, night.

AKO: Wala na ako masabi :'(

SIYA: OK. Goodnight.

AKO: Ngayon lang ako dadaan sa buhay mo. Please don't push me away. I'm so tired of being rejected. Hindi ko naman hihingin na you feel the same way eh. Masaya na ako sa ganito. Nagdrama tuloy ako ng wala sa lugar.

SIYA: What? You feel rejected? 'Yan na nga ba sinasabi ko eh. Have a break, forget everything na sinabi ko. OK? Matulog ka na. Sorry. Geh, goodnight.

SIYA: Save your energy para bukas.

<Kinabukasan>

AKO: Gosh! Sobrang lamig! Sana nandito ka sa tabi ko to hug me and keep me warm.

SIYA: huh?

AKO: Nabubuwisit ka na ba sa akin?

SIYA: Bakit? Ganoon ba ako kababaw?

AKO: Hindi naman, pakiramdam ko kasi hindi mo gusto 'yung mga sinasabi ko sa'yo.

SIYA: Eh kahit sino naman siguro.

AKO: Hmmm.

<Kinahapunan>

AKO: :)

AKO: Meryenda muna.

AKO: hey.

SIYA: Hu u?

AKO: Nidelete mo na po siguro number ko. Hehe.

AKO: Ahm. Ako nga pala si *****. Ikaw? Ano name mo po?

SIYA: Pwede po important messages na lang? Thanks.

AKO: OK

SIYA: Thanks. Ubos na kasi oras ko kakatext.

AKO: Oo. Sayang nga pala oras mo.

SIYA: No hard feelings. OK? Geh po business manager. Pakitext na lang ako ng updates sa org. 'Dami ko nang absent, wala na ako naitulong sa org.

AKO: OK.

AKO: Thought you were different.

SIYA: Kaibigan, OK lang. You should search other names on FB. Surely you will find a person a lot better than I am. Text him. Tell him he's gwapo. Maybe next time it'll work. Geh. Good afternoon.

AKO: Hahaha. Nice joke. Hahaha :D

SIYA: ?

<Later that afternoon>

AKO: Can't blame you for being afraid na someone might fall for you for who you are. Maybe next time. Not expecting a reply.

<Kinagabihan>

SIYA: Ei. Good eve. Just wanna apologize kung naging rude ako kanina. Musta medical mission.

AKO: You have every reason to be naman eh. OK lang.

AKO: Anyway, don't mind me. Sanay naman na ako na ginaganyan eh.

AKO: Pero nasaktan ako ng bonggang bongga.

<end>

Guess he's not open-minded after all.

Kahaba ng post na 'to. As if may magtitiyagang magbasa.

Product Review: Palmolive Cool Dude




Start of the second sem nung nakita ko ito sa supermarket. At bilang bagong panimula sa semestre kong haharapin, napagdesisyonan kong subukan siya. Sa totoo lang kasi, mahilig ako sa mga bagay na bago pa sa market at maiyayabang ako ako pa lang ang mga nauunang gumamit.

Well, unang dahilan talaga ng pagpansin ko dito ay ang magandang packaging niya. Kulay dark blue at nakasulat na "Cool Dude" in Comic Sans MS yata. Tapos mayroong drowing ng lalaki na may hawak ng bola. Nais ko sana tanungin kung sinu yung lalaki at gwapo ba pero napagtanto kong hindi siya sasagot.

Sa paggamit ko, para siyang Clear Anti-Dandruff Shampoo at halos magkaamoy. Pero mas gusto ko ang amoy ng Cool Dude. Ganoon din ang pakiramdam na parang may menthol sa scalp. Siguro ang main difference lang eh pansin kong mas malambot ang buhok ko pagkatapos mailigo at kahit ilang oras na ang nakalipas.

Pero ang pinakanagustuhan ko dito ay ang anti-dandruff ability niya. Ako kasi yung tao na madaling balakubakin. As in kahit ilang minuto pa lang kakaligo eh napapakamot na agad ng ulo. Sa shampoo na ito ko lang naranasan na hindi nangangati ang ulo ko at hindi na ako dinapuan ng dandruff ever since.

Recently ko lang napanood na may commercial pala ito at bata pala yung basketbolista. Muntik pa sana ako nakasuhan ng child abuse sa pagnanasa ko dun sa lalaki na nakaimprint sa lalagyan. Kaso naconfused ako kasi parang tween boys ang target market ng produktong ito. Eh kung ako nga na nasa huling dalawang taon na ng pagiging teenager eh effective pa din siya so I think dapat they introduce it to teenagers too.

So ayun, three months ko na siyang ginagamit at it never failed me. Nagkakaroon lang ako ng balakubak kapag umuuwi ako sa house kasi iba ang shampoo dun. Anyway I highly recommend this one sa mga may gusto ng dandruff free and soft hair. BE A COOL DUDE!!!!